Martes, Mayo 14, 2024

Titisan

TITISAN

anong gagawin sa mga lata
matapos sardinas ay ulamin
mga lata'y ibabasura na?
o sa lata tayo'y may gagawin?

sabi nila, tayo'y magresiklo
huwag basta tapon dito't doon
kaya naisip sa latang ito
gawing ashtray o titisan iyon

ang lagayan ng titis ng yosi
ay tulong na sa kapaligiran
upang paligid ay di dumumi
munting proyekto man ang titisan

nang di basta ikalat sa sahig
ang titis na di nila mawalis
sana sa atin ay may duminig
kahit nagyoyosi pa'y mainis

- gregoriovbituinjr.
05.14.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa ika-10 Black Friday Protest ng 2026

SA 10TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 patuloy ang panunuligsâ sa kurakot di natin titigilan ang mga balakyot kawatan sa pondo ng bayan silang...