TAKIPSILIM
sumilang ang araw sa bansa, bayan at kanugnog
sa daigdig ay sisikat ng pagkatayog-tayog
habang ilang oras lamang ito na'y papalubog
at bukas ay sisikat muli ng buong pag-irog
tulad din ng buhay, may pagsikat at takipsilim
tulad din ng pagkawala ng buhay na taimtim
tulad kong isang bubuyog na sa rosal sumimsim
sa bawat umaga't tanghali, sasapit ang dilim
ang paglubog ng araw ay matalinghaga minsan
pagkat nauugnay bilang tanda ng kamatayan
ngunit paano tatanggapin ang katotohanan
na mahal mo'y lumubog na ang araw nang tuluyan
nadarama ko pa rin ang kabutihan ni Ama
sa aming magkakapatid na inaruga niya
ang pagsapit ng takipsilim ay may ibinunga
na magkakapatid, pinakita'y pagkakaisa
- gregoriovbituinjr.
04.13.2024
Sabado, Abril 13, 2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang misyon
ANG MISYON mabigat ang misyon ng mga tibak na Spartan buhay na'y inalay upang baguhin ang lipunan nang kamtin ng bayan ang asam na kagin...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento