Biyernes, Pebrero 02, 2024

Reserbadong upuan

RESERBADONG UPUAN

reserbado ang upuan
pang-espesyal o mayaman
marahil may katungkulan
o mukhang kagalang-galang

minsan, ganyan din sa buhay
may silya para kay nanay
o sa amang tumatagay
upang sila'y mapalagay

may upuan sa palasyo
nakalaan sa pangulo
pinag-aagawan ito
ng mga kuhila't tuso

may laang silya din kaya
para sa obrero't dukha
ito'y dapat maihanda
tungong lipunang malaya

- gregoriovbituinjr.
02.02.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa unang death anniversary ni misis

‎SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS ‎ ‎depresyon ang dumapo ‎di batid ang gagawin ‎tila nais sumuko ‎ng diwa ko't damdamin ‎ ‎biglâ ang...