Martes, Pebrero 06, 2024

Konsentrasyon

KONSENTRASYON

nagsusulat ako anumang oras
paligid ma'y maingay o tahimik
mahalaga'y may natitirang lakas
upang nasa diwa ay isatitik

nasa loob man ng dyip o L.R.T.
mahalaga'y mayroong sasabihin
sa isyu't paksang aking namumuni
bago matulog man o pagkagising

di ko mahintay ang katahimikan
upang isulat ang nasasadiwa
basta may sasabihin, isulat lang
ang anumang ingay ay balewala

kung maglaro ng chess ay iyong batid
alam mong tiyak iyang konsentrasyon
gaano man kaingay ang paligid
makasusulat kang kaygaan doon

- gregoriovbituinjr.
02.06.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Namang at Namin, ina-autocorrect sa 'Naming"

NAMANG AT NAMIN, INA-AUTOCORRECT SA 'NAMING' Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Naging maingat na akong bantayan an...