PAGSUYO KAY MISIS
kung nagtampo si misis, aking susuyuin
tulad ng tandang na gumiri sa inahin
tulad ng leyon na leyona'y aakitin
tulad ng binata sa mutyang iibigin
lalabhan ko ang mga maruruming damit
lulutuin ang paborito niyang pansit
sa pinagkainan, ako ang magliligpit
o kaya'y tititigan ko siyang malagkit
hahandugan ko ng rosas at tsokolate
aalayan ng tulang kaygandang mensahe
ililibre ko rin siya sa pamasahe
hihingi rin ng tawad kung ako'y salbahe
lalambingin si misis ng buong pagsuyo
upang pag-ibig niya'y di naman maglaho
- gregoriovbituinjr.
01.31.2024
* litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon
Miyerkules, Enero 31, 2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang People's SONA
ANG PEOPLE'S SONA taun-taon na lang, naroon sa kalsada kung baga'y isa itong tungkulin talaga magsulat, mag-ulat, magmulat, magprote...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento