Miyerkules, Disyembre 13, 2023

Sama-samang pagkilos

SAMA-SAMANG PAGKILOS

pag-uwing bahay galing sa rali
animo'y di pa rin mapakali
rali nama'y di kawili-wili
gutom lang lalo't walang pambili

subalit rali ay mahalaga
upang maipaabot sa masa
at gobyerno ang isyu talaga
may rali dahil nakikibaka

kaytaas ng presyo ng bilihin
tulad ng gulay, bigas, pagkain
pangangailangang pangunahin
na araw-gabi nating gastusin

karapatan nating manuligsa
kung pinuno'y kuyakoy lang sadya
barat ang sahod ng manggagawa
walang disenteng bahay ang dukha

tuloy ang sama-samang pagkilos
kung may inapi't binubusabos
labanang ito'y dapat matapos
kaya maghanda sa pagtutuos

- gregoriovbituinjr.
12.13.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

3 Grade 12, nanggahasa ng Grade 11

3 GRADE 12, NANGGAHASA NG GRADE 11 krimen itong anong tindi dahil ang tatlong kaklase ang humalay sa babae sadyang napakasalbahe pagkatao na...