Sabado, Setyembre 23, 2023

Komentula

KOMENTULA

di raw ako masalita
tila tinahi ang dila
madaldal lang daw sa tula
at doon ngawa ng ngawa

sa tula nahahalata
ang damdamin ng makata
anuman ang sapantaha
sa katha sinasariwa

patuloy lang sa pagkatha
ang makatang maglulupa
kay-ingay ng nasa diwa
animo'y rumaragasa

mag-ingay ka pa, makata
ikaw na di masalita
sa toreng garing ma'y wala
kinakatha'y komentula

- gbj/09.23.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagsalubong sa 2026: Year of the Fire Horse

PAGSALUBONG SA 2026, YEAR OF THE FIRE HORSE tahimik kong sinalubong ang Year of the Fire Horse pulutan ay tahong at iniinom ay Red Horse hay...