Sabado, Abril 01, 2023

Mali na naman ang tanong

MALI NA NAMAN ANG TANONG

sa unang tingin pa lang, alam kong wala nang sagot
pagkat hindi divisible by three ang seventy-six
gamitan mo man ng calculator, mapapakunot
walang whole number o integer na sagot, kaybagsik

kaya heto, Aritmetik ay ganyan ko iniwan
may sagot ito ngunit decimal o kaya'y fraction
eh, di iyon ang kahingian ng palaisipan
di pwedeng sagot ang twenty-five point three, three, three doon

ang Aritmetik ba'y di ineedit ng patnugot
o editor ng dyaryo, kunot-noo na lang ako
kung ineedit naman, bakit ganyan ang inabot
o dahil April Fool's Day, kaya nabiktima tayo

gayunman, salamat sa Aritmetik, anong saya
sa libreng oras ko'y nakapaglibang nga talaga

- gregoriovbituinjr.
04.01.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pahimakas kay Ka Freddie Aguilar

PAHIMAKAS KAY KA FREDDIE AGUILAR bata pa lang ako nang marinig ko't mapanood na nanalo sa internasyunal ang kanyang  ANAK sa Student Can...