DILAMBONG
anong inam ng nasaliksik kong salita
na natagpuan ko lang nang di sinasadya
agad nilitratuhan upang di mawala
sa isip ang dapat ibahagi sa madla
lalo't mahalagang salita sa pagtula
na nangangahulugan ng magandang wika
mula sa "dila nga maambong" ang salita
Hiligaynon pala ang nasabing kataga
sagisag din ng kataas-taasang diwa
at damdamin, kahulugan ngang tumatama
sa pagkatao't nakapagbibigay-sigla
pagsabi rin ng kapuri-puring salita
dilambong ang hagilap ng mga makata
upang mapahusay pa ang kanilang katha
- gregoriovbituinjr.
04.08.2023
* litrato mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 289
Sabado, Abril 08, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa Ngalan Ng Tula (ngayong National Poetry Day 2025)
SA NGALAN NG TULA (ngayong National Poetry Day 2025) ngayong National Poetry Day , tula'y bibigkasin sa pagtitipon ng kabataang kasama ...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento