Miyerkules, Abril 26, 2023

Bigas mais sa almusal

BIGAS MAIS SA ALMUSAL

niluto ko'y bigas na mais sa agahan
na nabili ni misis sa isang tindahan
bigas na mais nama'y aking sinubukan
kung gaano kasarap, nang aking matikman

inulam ay galunggong na aking pinrito
nang mainin ang bigas na mais na ito
tinikman ko, parang iba ang lasa nito
walang lasa, o nawala ang panlasa ko

gayunpaman, ito'y aking kinain pa rin
bago umalis kaysa pa ako'y gutumin
buti nang may laman ang tiyan at kumain
at baka sa bigas mais ay masanay din

sa bigas mais man ako muna'y magtiis
pag sobrang kanin, baka magka-diabetes
magandang alternatibo ang bigas mais
salamat at ito'y nadiskubre ni misis

- gregoriovbituinjr.
04.26.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Puwing at langgam

PUWING AT LANGGAM kasabihan ng ating ninuno: maliit lang ang nakapupuwing sa atin ay mahalagang payo upang di tayo api-apihin kikilos din ta...