SA LUNETA
tarang mamasyal sa Luneta
kahit na tayo'y walang pera
ang wika nga sa isang kanta
pambansang liwasan talaga
halina sa isang upuan
sa Rizal Park, dating tambayan
upang kita'y magkumustahan
kumain at magkakwentuhan
lalo't paligid ay kayhangin
habang may saliw na awitin
kayraming namamasyal man din
na Bagumbayan din sa atin
tara, doon tayo'y mamasyal
kung saan binitay si Rizal
upang pagkahapo'y matanggal
at damhin yaring pagmamahal
- gregoriovbituinjr.
01.06.2023
* litratong kuha ng makatang gala sa Luneta, Araw ni Rizal, 12.30.2022
Biyernes, Enero 06, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Meryendang KamSib
MERYENDANG KAMSIB kaysarap ng meryenda lalo't pagod talaga sa maghapong trabaho pawisan na ang noo ang meryenda ko'y simple at di ka...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento