Miyerkules, Hunyo 22, 2022

Kailangan ka

KAILANGAN KA

bayani ay kailangan
ng ating kapaligiran
at daigdig na tahanan;
ikaw ba'y isa na riyan?

daigdig ay gawing lunti
basura'y di maging gawi
baluktot ay mapapawi
kung iwawasto ang mali

sinong magtutulong-tulong
kundi tayo-tayo ngayon
buti ng mundo'y isulong
tungkuling napapanahon

kung gawin ang sinasabi
upang sa mundo'y mangyari
ang dito'y makabubuti 
Igan, isa kang bayani

- gregoriovbituinjr.
06.22.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Prinsipyado

PRINSIPYADO May tibak sa loob ko. Nakataas-kamao. Tulad ng batang ako. Titindig, di tatakbo. - gregoriovbituinjr. 08.21.2026