Sabado, Marso 19, 2022
Minsan
minsan, kailangan ding mamasyal
sa panahong nakatitigagal
maglakad-lakad hanggang magpagal
o mag-jogging kahit hinihingal
minsan, nakatitig sa kisame
nag-iisip ng mga diskarte
upang malabanan ang salbahe
o kaya'y mga trapong buwitre
minsan, matutulog ka ng dilat
at bigla kang maalimpungat
masabing sana'y nakapagmulat
ng kapwa dukhang nakamulagat
minsan, pag dama'y walang magawa
nagninilay ng mahaba-haba
doon sa langit nakatulala
makakakatha na maya-maya
tulad ng paminsan-minsang kaba
na anumang sigwa'y kinakaya
kaharap man ang banta ng bala
nang kamtin ang asam na hustisya
- gregoriovbituinjr.
03.19.2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagkakalat at paglilinis
PAGKAKALAT AT PAGLILINIS nasita ang isa ngunit matindi ang kanilang sagutan na paksa'y hinggil sa pagkakalat sa ating kapaligiran: ...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
KALATAS SA AKING MGA APO, LIHAM 1 mabuhay kayo, mga apo ko, apo sa tuhod at talampakan, ako'y nagsisipag sa pagkayod upang magandang kin...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento