Biyernes, Agosto 06, 2021

Bilin sa sarili


BILIN SA SARILI

huwag kang mag-isip ng tula habang nagsasaing
tingnan ang ginagawa hanggang sa ito'y mainin
mahirap nang dahil dito'y masunugan ng kanin
ah, di masarap ang sunog, iyong pakaisipin

huwag humarap sa webinar habang nagluluto
huwag tumutok sa kompyuter habang kumukulo
ang nilaga't baka sa pagmamadali'y mapaso
pagluluto'y tapusin munang may buong pagsuyo

habang ginagawa ang tulang ito'y tigil muna
tapos na ba ang niluluto mo't nawiwili ka
oo nga pala, baka sinasaing ko'y sunog na
teka lang, sandali, at salamat sa paalala

bilin iyan sa sarili upang di masunugan 
ng niluto't sumarap naman ang pananghalian

- gregoriovbituinjr.
08.06.2021

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Magkaisa laban sa mga korap

MAGKAISA LABAN SA MGA KORAP magkaisa laban sa mga mapagpanggap na lingkod bayang sa masa'y pawang pahirap silang sa pondo ng bayan nagpa...