Huwebes, Hulyo 08, 2021

Sa lababo

SA LABABO

ani Inay, dapat laging malinis ang lababo
dahil diyan natin nililinis ang mga plato
at hinuhugasan ang ating ininumang baso
anya pa, huwag itong hayaang maging barado

mga bilin ni Inay noong aking kabataan
na tinatandaan ko hanggang sa kasalukuyan
ang lababong marumi'y imahe ng kapangitan
is-isin ang paligid, dumi'y tanggaling tuluyan

kanina'y nilinis ko ang lababong anong dumi
nilinis dahil agad napansin, barado kasi
sinundot-sundot hanggang lumuwag ito't bumuti
matagal din, tila bumarang dumi'y anong dami

buti na lang, natuto sa mga aral ni Inay
pati nga paglalaba'y nagagampanan kong husay
tandaan lang, lababo'y laging lilinising tunay
dahil pag nagbara muli'y sadyang di mapalagay

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PaglalagĂ  ng malunggay

PAGLALAGĂ€ NG MALUNGGAY bente pesos ang apat na tangkay ng nabiling dahon ng malunggay na aking pinakuluang tunay sa kalusugan ay pang-alalay...