Linggo, Marso 07, 2021

Nagsorbetes ang magsing-irog

Nagsorbetes ang magsing-irog

nagsorbetes ang magsing-irog
animo'y nagpapakabusog
sa ayskriman doong kanugnog
habang kapwa nagiging kalog

at pagkauwi'y nagpahinga
sabay na humiga sa kama
nagdaop ang katawan nila
sa matinding pakikibaka

ang buhay mag-asawa'y ganyan
tuloy lang sa pagmamahalan
magkaiba man ng isipan
puso'y nagkakasundo naman

noon, tititig lang sa langit
tanaw ko'y nimpang anong rikit
ngayon, didilat at pipikit
may asawa nang anong bait

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Payak na hapunan ng tibak na Spartan

PAYAK NA HAPUNAN NG TIBAK NA SPARTAN sibuyas, kamatis at bawang pinagsama habang tuyong hawot ay ipinirito pa payak na hapunan ng tibak na S...