Karatula sa pinto
tinitiyak kong naka-lock ang dalawang seradura
subalit napapansin ko'y talagang kakaiba
bakit bukas na ang nasa taas na seradura
gayong kagabi nga'y ini-lock ko itong talaga
ayokong mag-isip ng anuman, subalit dapat
na sa ating pagtulog ay tiyaking nag-iingat
pag madaling araw nga'y maiingay pa sa labas
baka seradura'y pinagtitripan ng pangahas
kaya nagsulat ako ng karatula sa pinto
pinaskil ko sa loob upang kasama'y matanto
mag-ingat, pag lalabas na'y idoble-lock ang pinto
gayon ang gawin pag matulog nang lango o hapo
maging mapangmatyag sa pagbantay ng opis-bahay
mahirap nang masalisihan, baka pa mapatay
dapat laging maging alisto, ingatan ang buhay
upang walang nagmamahal na agad malulumbay
- gregoriovbituinjr.
12.31.2020, 8:49 am
Huwebes, Disyembre 31, 2020
Karatula sa pinto
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa pasilyo
PAALALA SA PASILYO malinaw ang paalala sa dinaanang pasilyo bago nasok sa Session Hall "Do Not Disturb" sabi dito na ang ibig sab...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
-
PAMBAYAD KO'Y TULA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nang ilunsad ang The Great Lean Run noong 2016, sabi ko sa mga or...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento