tatlong bote ng Cobrang walang laman muna ngayon
pupunuin ng mga ginupit na plastik iyon
bubunuin ko ang gawaing iyon sa maghapon
na baka nga abutin pa ng isang linggo roon
ah, tatlong bote lang muna, kalaban ay mahina
mabuting may ginagawa kaysa nakatunganga
para sa kalikasan, at ako'y may napapala
habang nageekobrik ay naglalaro ang diwa
samutsaring paksa ang dumadaloy sa isipan
hinahabi ang mga akdang sa diwa'y naiwan
ang mga taludtod at saknong nga'y sinasalansan
pinagsasalita rin ang anino sa kawalan
nagtatapos at nagtatapos ang pageekobrik
habang sa isip, may nakatha habang nagsisiksik
sa mga bote ng pinaggupit-gupit na plastik
at pag nagpahinga, nasa diwa'y isasatitik
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Salamisim
SALAMISIM inaaliw ko na lang ang sarili sa pagkilos at pagsama sa rali sa pagbasa ng aklat nawiwili tulâ ng tulâ sa araw at gabi ako'y g...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento