namimigay ng libreng bell pepper sa nadaanan
kaya nang aming makita'y nanghingi ng iilan
namigay na iyon ay aming pinasalamatan
at pagdating ng bahay ay agad kong hinugasan
ang kampanilyang sili'y ginayat ko ng pahaba
at doon sa kawali'y ginisa ko sa mantika
pinalutong, aba'y anong sarap ng naihanda
sa tanghalian, linamnam nito'y nakamamangha
marahil sa kalusugan, ito'y makaganda rin
may bitamina't mineral din itong makakain
marahil, gawing pulutan sa inyong totomain
at mga buto nito'y mabuting iyong itanim
tikman mo rin itong ginisang kampanilyang sili
tiyak sa sarap nito'y di ka mag-aatubili
baka mapatula ka pa't maraming masasabi
ingat, baka sa busog mo'y makatulog sa tabi
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang...
-
ANG TAMANG GAMIT NG RITO AT DITO "Bawal Umihi Rito" ang nakita kong paalala sa isang pader sa T. Alonzo St. sa Baguio City, malap...
-
LUMAKI AKONG NAGBABAHA SA SAMPALOC, MAYNILA PAG MAY BAGYO asahan mo nang baha sa Sampaloc pag nagbagyo kaya bata pa lang ako, pagbaha'y ...
-
LAGOT SILA KAY AGOT artistang si Agot Isidro, may tanong sa atin di palaisipan ngunit ating pakaisipin: "Kung kayo si Sierra Madre, sin...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento