naparito akong di madalumat ang kataga
habang hinahanap ko ang nawawalang diwata
habang siya'y hinahagilap sa abang gunita
siyang may ngiting anong ganda't magiliw na mukha
dinadalirot ko man ang nagnanaknak kong sugat
balang araw, kasawiang ito'y magiging pilat
na bagamat napaghilom na'y di pa rin makatkat
pagkat balantukan, na ang naghilom lang ay balat
tanaw ko ang sariling kuyom pa rin ang kamao
na sa pakikibaka'y nananatiling seryoso
di nagigiba ang paninindigan at prinsipyo
palaban, nakikibaka, kahit mukhang maamo
mga salitang angkop sa tula'y hahagilapin
upang kagiliwan ng madla pagkat matulain
anumang patakaran ng puso'y huwag labagin
nang manatiling malaya, sa bisig ma'y kulungin
- gregbituinjr.
Miyerkules, Hulyo 08, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ididkwalipika ang mga dinastiyang pulitikal
IDISKWALIPIKA ANG MGA DINASTIYANG PULITIKAL kapag pulitikal na dinastiya ang ibinoboto pa rin ng masa hinahalal ba'y mapagsamantala nari...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
Bagong taon, bagong petsa, dating pakikibaka Bagong taon, dating kalagayan, lumang sistema Nariyan pa ang pang-aapi't pagsasamantala ...
-
PAG NAG-1-2-3 ANG NAGPAPUTOK NG BARIL madalas ay di nakikilala kung sino ang minulan ng ligaw na balang kumitil sa buhay ng bata o tinamaan ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento