tanong sa sarili: ako pa ba'y propagandista?
o maituturing akong dating propagandista?
bakit ganyan ang tanong? nag-asawa lang, ganyan na?
iniwan na ba ang marubdob na pakikibaka?
tungkulin ng propagandista'y di pansarili lang
kundi higit sa lahat ay sa uri't sambayanan
itataas ang moral ng lugmok na kasamahan
naglilinaw din ng isyu't nagtuturong lumaban
patungo sa adhikain ang mga ginagawa
patungo sa pagmumulat ang mga inaakda
patungo sa pagkilos ng mga inapi't dukha
patungo sa pagwawakas ng sistemang kaysama
dahil sa lockdown at kawalan ng perang gastusin
dahil walang maipambayad sa laksang bayarin
dahil kumikilos lang nang pamilya'y di gutumin
dahil nagtatanim-tanim na upang may gulayin
tungkulin sa masa'y naiwanang pansamantala
ngunit paunti-unti lang ay makababalik na
nais pa ring gawin ang tungkuling magpropaganda
nais pa ring patunayang isang propagandista
- gregbituinjr.
Biyernes, Hulyo 10, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nabuhat nila'y 25 medalya
NABUHAT NILA'Y 25 MEDALYA sa Doha, mga Pinoy weightlifter ay nagpakitang gilas sa kumpetisyong nilahukan, husay nila'y pinamalas dal...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
PAG NAG-1-2-3 ANG NAGPAPUTOK NG BARIL madalas ay di nakikilala kung sino ang minulan ng ligaw na balang kumitil sa buhay ng bata o tinamaan ...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento