ano bang iuulam, mamitas muli ng talbos
ng kamote upang kainin, tayo'y makaraos
ngayong lockdown, walang trabahong kikita kang lubos
sa bahay lang nang makaiwas sa coronavirus
kada tatlo o apat na araw lang mamimitas
mahirap mapurga sa talbos, baka ka mamanas
gayunman, mabuting may napipitas pa sa labas
upang pantawid-gutom, baka sa sakit pa'y lunas
haluan ng sibuyas at bawang, igisa iyon
o kaya'y isahog ko sa nudels o pansit kanton
habang kumakain, talbos ay isipin mong litson
isawsaw pa sa bagoong, lalakas kang lumamon
buhay na'y ganito sa panahon ng kwarantina
walang trabaho, walang kita, tiis-tiis muna
dahil sa COVID-19, bagsak din ang ekonomya
di alam kung hanggang kailan ito tatagal pa
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Listo pa ba?
LISTO PA BA? buti't di natatabig ng sasakyan habang tulala pa ring naglalakad muntik-muntikan nang masagasaan buti't mabilis pa ring...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento