natatanaw mo ba ang pagsusungit ng panahon?
paano siya magsungit, nahan ang mukha niyon?
nakasimangot ba o nanggagalaiti iyon?
sa galit kaya nagsusungit na kapara'y leyon
di ko pa nakita ang nagsusungit niyang mukha
kundi kilos lang niyang nararamdaman kong lubha
ipinakikita ang ngitngit sa mga pagbaha
at sinumang tinamaan niya'y nakakaawa
kung magandang dalaga ang panahong nagsusungit
payag ka bang masungit man ay iibiging pilit?
kung siya'y liligawan mo, siya kaya'y babait?
paano kung nanggagalaiti siya sa galit?
pagsusungit ng panahon ba'y anong pahiwatig?
ayon sa agham ay banggaan ng init at lamig
ang mahalaga'y magtulungan at magkapitbisig
at sa tindi ng unos niya'y huwag padadaig
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nilay sa Fiesta Carnival
NILAY SA FIESTA CARNIVAL kinakaya ko ang lahat ang totoo'y di pa kaya kunwari, kaya ko lahat bagamat naluluha pa kaya sa tambayan namin ...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento