inulam ko muli kaninang umaga'y kamatis
na paborito ko raw kaya maganda ang kutis
walang anumang tagiyawat, ang mukha'y makinis
ang sabi nila, kahit kili-kili ko'y may pawis
minsan, nangunguha ng kamatis na sumisibol
sa bakuran o kaya'y sangkilo nito'y gugugol
sa palengke, mura sa ngayon, kahit ako'y gahol
di ko na iyon niluluto't sayang pa ang gasul
kakainin ng hilaw, sa sarap mapapasipol
gagayating malilinggit, isasawsaw sa toyo
wala kasing bagoong na dapat nito'y kahalo
ito'y uulamin namin nang may buong pagsuyo
kamatis lang, mawawala ang gutom at siphayo
habang sa sarap nito'y may tula ring mahahango
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sigaw ni Maris: Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!
SIGAW NI MARIS: SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO! si Maris Racal, isinigaw ngang totoo "Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo!...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento