sumugod ang tandang sa tarangkahan ng pag-ibig
sinundan ang inaheng nais niyang makaniig
sa pagkurukok, tila puso'y kaylakas ng pintig
tanda ng ligayang animo'y may haing pinipig
anong rikit ng paglitaw ng araw sa silangan
nakakapanginig ang simoy ng hanging amihan
kayputi naman ng alapaap sa kalangitan
na tila sa buong araw ay may kapayapaan
habang yaong tandang ay patuloy lang sa pagpupog
at ang inahen, maya-maya lang ay mangingitlog
paano nanligaw ang tandang, pagsinta'y niluhog?
nag-alay din ba ng palay at matamis na niyog?
Balagtas: "O, pagsintang labis ng kapangyarihan"
napakalayong tinig na narinig pa ng tandang
kaya sumisintang puso'y namugad nang tuluyan
kasama ang sintang bubuo ng kinabukasan
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tahong
TAHONG kaysarap ng tahong sa pananghalian sa kanin mang tutong ay pagkalinamnam tarang mananghali tiyan ay busugin ang bawat mong mithi ay b...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento