ating isabuhay ang Kartilya ng Katipunan
bilang aktibista't Katipunero'y panuntunan
isapuso, isadiwa, ibaon sa kalamnan
makipagkapwa, na gabay ay prinsipyong palaban
durugin ang bulok na sistema't uring burgesya
kabakahin ang mapang-api't mapagsamantala
karahasang di man tanaw ng nagbabagang mata
ay uusigin para sa panlipunang hustisya
pag-aralan ang buhay ng ating mga bayani
sino ang kolektibo nila, kasangga, kakampi
ano ang prinsipyong tangan, asal nila't sinabi
bakit nararapat natin silang ipagmalaki
ang Kartilya ng Katipunan ang kanilang gabay
sa pakikipagkapwa't pakikibaka'y patnubay
oo, Kartilya ng Katipunan ay isabuhay
at ibaon sa kaibuturan hanggang mamatay
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagpupugay, Chess National Master Racasa
PAGPUPUGAY, CHESS NATIONAL MASTER RACASA pagpupugay, Antonella Berthe Racasa Woman National Master, Arena FIDE Master na kampyon sa paligsa...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento