minsan, sa tindahan ng gitara'y napapadaan
at ang anyubog nito'y akin ngang pinagmamasdan
mula sa kwerdas, leeg, tatangnan, buong katawan
hinahagod ng tingin hanggang ako'y matunawan
di ko pa nabibili ang pangarap kong gitara
dahil ba walang salapi o hilig na'y nag-iba
pag napapadaan sa bilihan, napapatanga
pinagninilayang gitara'y tinitipa ko na
nag-aral akong maggitara noong kabataan
tinitipa-tipa ang awiting nagugustuhan
ngunit sa kalaunan, iba ang napagbalingan
matematika, pagtula, araling panlipunan
hanggang sa ngayon nga'y wala pa rin akong gitara
gayong marami akong tulang naisaaklat na
na maaari kong gawing awit kung may gitara
subalit kahit pagtipa sa gitara'y limot na
di pa huli ang lahat, di pa huli ang pag-awit
kung may gitara'y pagsisikapang ito'y magamit
lalapatan ng tono ang ilang tula ko't dalit
kung kakayanin ay aawitin ko hanggang langit
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagsulyap
nandito akong muli sa ospital dinadalaw siya pag visiting hours at tinitigan ko na naman siya ngunit di muna ako nagpakita kagabi, nang siy...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento