Kasabihan, kasarinlan, kasaysayan
kasalukuyan ngang mayroon pa ring COVID-19
kasador o mangangaso'y hanap din ay pagkain
kasado rin tayong kumilos upang di gutumin
kasaba man, kamote o talbos lang ang kainin
kasama, patuloy tayong makibaka't kumilos
kasapi tayo nitong lipunang binubusabos
kasali man o hindi'y kayraming naghihikahos
kasangkot tayo sa bayan nating dapat matubos
kasalanan sa bayan ang ganid na paghahari
kasakiman nila sa tubo'y pinananatili
kasagwaang pagyakap sa pribadong pag-aari
kasayahan sa tuso't mapagsamantalang uri
kasabihan nga'y tuloy pa rin ang pakikibaka
kasabayan man o hindi, tayo'y may ninanasa
kasarinlan sa pang-aapi't pagsasamantala
kasaysayang ang nagbuo'y ang pagkilos ng masa
- gregbituinjr.
04.22.2020 (Earth Day)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kadakuon 8.8 na lindol sa Rusya
KADAKUON 8.8 NA LINDOL SA RUSYA kadakuon walo punto walo ang lakas ng pagyanig sa Rusya kaya sadyang pinakaba tayo sa lindol sa tangway ng K...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento