nasa liblib na muna't panahon ng kwarantina
nagninilay, kumakatha, wala pa ring pahinga
dapat ding tumulong sa bahay, kusina, maglaba,
maglampaso, magsibak ng panggatong, mamalantsa
dapat ding pag-ingatan ang pagsisibak ng kahoy
habang nasa diwa'y kung anu-anong pananaghoy
na pinagmamasdan ang kongreso ng mga baboy
habang maraming matitikas ang naging palaboy
gamit ko sa pagsibak ang matalas na palakol
pagsibak ng punong mulawin ay pauntol-untol
malambot ang ipil-ipil na madaling maputol
pag bao ng niyog ay gulok naman ang hahatol
samutsari ang nasa isip habang nagsisibak
anong dapat gawin upang di gumapang sa lusak
kinakatha kung paano iiwasan ang lubak
ng diwa't damdaming umaararo sa pinitak
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pribatisasyon ng NAIA, Tutulan
PRIBATISASYON NG NAIA, TUTULAN sa NAIA, kayraming bagong fees nagsimula sa surot at ipis isinapribado nang kaybilis naririyan ang parking fe...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento