napakaganda ng kanyang mukhang di masilayan
sabik nang makita ang diwata ng kagubatan
nawa'y makaharap ang pangarap kong paraluman
tulad ni Maryang Makiling o Maryang Sinukuan
diwata ng kagubatan ay makikita ko rin
pangako sa sarili, mutya'y dapat kong maangkin
dapat na akong magtungo sa puno ng mulawin
o sa apitong na pitong ulit kong aakyatin
ako'y isang makatang nahirati na sa lumbay
nais ko ring lumigaya't puso naman ang pakay
pagkat diwata ng gubat ang laging naninilay
lalo na't adhikain niring puso'y gintong lantay
ayoko nang mabusog sa awit na malulungkot
nagsisikap akong lumbay ay tuluyang malagot
nawa diwata ng gubat ay aking mapasagot
at dadalhin siya sa kaharian ko sa laot
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nagkamali ng baba
NAGKAMALI NG BABA Nagkamali na naman ng baba. Marahil ay natutulala. Magkaiba nga pala ang babaan ng MRT at bus carousel. Pagkalampas ng Roo...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento