Soneto sa organisador
(taludturang 2-3-4-3-2)
Animo'y agila kang naroon sa himpapawid
Na sa kalawakan ay may kung anong ihahatid
Gayong isa kang langay-langayang nakikibaka
Organisador na hangad baguhin ang sistema
Rebolusyonaryong kumikilos para sa masa
Ginagampanan mo ang itinalagang tungkulin
At tinataguyod ang niyakap na simulain
Nasa isip paano magtagumpay sa layunin
Isinasagawa ang bawat misyong dapat tupdin
Sa anumang samahan, kapwa'y iyong nililingap
At lagi kang kasama ng masa sa dusa't hirap
Di ka basta aatras sa labang inyong kaharap
Organisador kang maalam sa taktika't pihit
Risko man at problema'y kaharap sa bawat saglit
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagdalaw sa puntod
PAGDALAW SA PUNTOD dinalaw ko ang puntod ni Ama sa petsang unang anibersaryo ng kamatayan, kaya pamilya ay nagsitungo sa sementaryo matapos ...

-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento