bulkang Taal ay nag-alburuto na naman
kaya face mask sa botika'y nagkaubusan
dahil sa ashfall na ibinuga ng bulkan
mukha't ilong natin ay dapat protektahan
subalit pag-iingat ay napapanahon
mag-ingat din sa mga naka-face mask ngayon
at baka may magsamantala sa sitwasyon
mangholdap sa dyip, bus, iskinita't kalyehon
maging alisto, at huwag basta malingat
mag-ingat din baka sila'y may kasapakat
di natin alam paano sila babanat
mabuting sa bawat sitwasyon ay mag-ingat
maglakad lang tayo sa lugar na matao
kung sinong may balak ay masawata ito
sa panahon ng ligalig maging alisto
upang di mabiktima ng mapang-abuso
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pinikpikan sa pang-apatnapung araw
PINIKPIKAN SA PANG-APATNAPUNG ARAW nagpinikpikan habang inalala ng angkan ang pang-apatnapung araw ng pagkawala ng aking asawa habang ramdam...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento