kailangan ng pera, ito ang sabi ni misis
dahil sa kahirapan, ayaw na niyang magtiis
dapat daw akong magtrabaho't mabili ang nais
sumweldo't nang may pambayad sa bayarin at buwis
kailangan naming magbayad ng kuryente't tubig
bayad sa ospital pag nagkasakit o nabikig
pambili ng ilalaman sa aming mga bibig
pulos sa pera na lang umiikot ang daigdig
kailangan ng salapi, ito ang kalakaran
upang mabuhay ka'y dapat ka ring maging bayaran
lakas-paggawa'y ibebenta hanggang masahuran
ilang taon bang ganito ang iyong katauhan
kailangan ng kwarta, dapat lagi kang may sweldo
kung di man limpak na tubo pag ika'y nagnegosyo
ganyan ang palakad sa lipunang kapitalismo
binibili na rin ng pera pati pagkatao
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang apat kong tanága sa Poetry Night
ANG APAT KONG TANÁGA SA POETRY NIGHT ni Gregorio V. Bituin Jr. Matapos manood ng dulang Manila Carnival Queens sa Metropolitan Theater ...
-
ANG TAMANG GAMIT NG RITO AT DITO "Bawal Umihi Rito" ang nakita kong paalala sa isang pader sa T. Alonzo St. sa Baguio City, malap...
-
LUMAKI AKONG NAGBABAHA SA SAMPALOC, MAYNILA PAG MAY BAGYO asahan mo nang baha sa Sampaloc pag nagbagyo kaya bata pa lang ako, pagbaha'y ...
-
LAGOT SILA KAY AGOT artistang si Agot Isidro, may tanong sa atin di palaisipan ngunit ating pakaisipin: "Kung kayo si Sierra Madre, sin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento