Dumudungis ang apog sa mukha ng pulitiko
Umiinom naman ng alak ang tambay sa kanto
Rumaragasa naman ang mga adik sa bisyo
Umuga sa bayan ang tokhang, dugo, bala't basyo!
Gigising kaya ang bayan sa kamaliang ito
Itinumba, walang paglilitis, walang proseso
Salvage agad, patakaran nilang di makatao
Tokhang pa'y dumarami't sumasabog sa puso mo!
Anong dapat gawin upang mapigil ang ganito
Sakit sa kalusugan ang drogang naaabuso
At di krimeng agad papaslangin agad ang tao
Gayong wala silang karapatang gagawin ito!
Isipin mo, nagdodroga'y maysakit, kapwa tao
Pagamutan siya dalhin, at di sa sementeryo
Intindihing dapat siyang magamot nang totoo
Nang problema ng tulad niya'y malutas na rito.
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Lasi
LASI Tatlumpu Pahalang, ang tanong: Pagtastas ng dahon sa buto katanungang animo'y bugtong pababa muna'y sinagot ko LASI ang sagot n...
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgoKFi9DUyAtA0P7zxKM5dxlTOieE8sU7PUBqTjBqs2jLmN9Ml8JzSw6xpG44Kest9maq6yEvkeCb5n5M8kEJeJZHrZ7s7Efo1DGtSF7WqaujQxo_AQ1JgB0HjDvrb6mBXATw-hrfuBhEWz96xRVWhyUGosK_v17hO5RFXjy0EPPv9r53PtrDNr3ZEYOHAW/w628-h640/lasi.jpg)
-
PANAWAGANG PANGKALUSUGAN mahalagang pundasyon ng mga kababaihan ang ipaglaban ang kalusugan ng mamamayan namnamin lamang natin ang kanilang ...
-
SA BAWAT PATAK NG ULAN umaga, makulimlim na naman ang kalangitan nagbabadya na naman ng malakas na pag-ulan naalimpungatan ako sa patak sa b...
-
kaysarap ng inihaw na tahong na inihain sa aming pulong na mula sa dagat ng linggatong ng samutsaring paksang umusbong kung naroong mangga...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento