Bagong taon, dating rehimen
ang palakad ay gayon pa rin
nagmahal ang mga bilihin
na epekto ng batas na TRAIN
aktibista'y taas-kamao
obrero'y kaybaba ng sweldo
sistema'y walang pagbabago
at tiwali'y nasa gobyerno
salot na kontraktwalisasyon
ay patuloy pa hanggang ngayon
ang manggagawang mahinahon
ay mag-aaklas pag naglaon
kayraming batang walang muwang
ang naging biktima ng tokhang
kayraming sa dugo lumutang
na pawang buhay ang inutang
tanikala'y dapat lagutin
elitista'y dapat gapusin
wakasan ang pang-aalipin
ng rehimeng dapat tigpasin
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Look Forward tayo kay Attorney Luke
Look Forward tayo kay Attorney Luke Lider-manggagawa siyang subok Sa Senado ay ating iluklok Lalo 't sistema'y di na malunok Iboto n...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
-
SA BAWAT PATAK NG ULAN umaga, makulimlim na naman ang kalangitan nagbabadya na naman ng malakas na pag-ulan naalimpungatan ako sa patak sa b...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento