may natirhang bahay, wala namang laman ang tiyan
ganyang buhay sa relokasyon, pag iyong nalaman
paano na ang buhay kung walang anumang yaman
kundi sariling buhay, humihinga pa rin naman
binigyan ng matitirhang bahay sa relokasyon
subalit walang hanapbuhay na nagisnan doon
di ba't di lang bahay ang usapan sa negosasyon
kundi hanapbuhay, panlipunang serbisyo roon
ginawan ng bahay, tinapon doong parang daga
sa lunsod daw, masakit sila sa mata ng madla
kaya hayun, itinapon sa malayo ang dukha
ang pamahalaan pala'y ganuon kumalinga
buhay sa relokasyon ay dusa, gutom, marahas
tila isang kumunoy iyong di ka makaligtas
minsan may seks kapalit ng ilang latang sardinas
nangyayari'y seks kapalit ng ilang kilong bigas
kaya dapat pampublikong pabahay ang ihanda
ibatay iyon sa kakayahan ng maralita
di aangkinin iyon o kinatirikang lupa
kundi habang nakatira'y uupahan ng dukha
di ipamamana, pag nasira iyon ng bagyo
o kaya'y winasak iyon ng nagdaang delubyo
ang may tungkuling magpagawa niyon ay gobyerno
dahil pampublikong pabahay ay kanyang serbisyo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Lugaw
LUGAW nakasanayan ko nang kumain ng lugaw na pagkain ng pasyente sa pagamutan na pag ayaw ni misis at ako ang bantay lugaw yaong siya ko nam...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
MAG-INGAT SA PAPUTOK NA GOODBYE DALIRI ah, mag-ingat sa paputok na samutsari baka matamaan at biglang mapalungi may Sinturon ni Hudas, Bin L...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento