wala raw nagrerebolusyon, sabi ng kasama
di naman daw tayo manalo sa pakikibaka
subalit patuloy akong kumikilos sa masa
kaysa magmukmok lang sa paghahanap ng hustisya
patuloy pa rin ang salot na kontraktwalisasyon
sa lugar ng dukha'y nagbabanta ang demolisyon
sa mga lupang ninuno'y may militarisasyon
niyuyurakan ang karapatang pantao ngayon
dapat lang kumilos sa maraming isyu ng bansa
dapat nating mapakilos ang uring manggagawa
sa maraming isyu'y di tayo dapat tumunganga
kundi ang mag-organisa, mag-organisa pa nga
huwag tayong padadala sa mga negatibo
tulad ng ibang tila ba nagsawa na sa isyu
huwag tayong bibitaw sa niyakap na prinsipyo
pagkat sa sama-samang pagkilos lang mananalo
halina't kumilos pa rin, tayo'y magrebolusyon
sa punang di naman manalo'y huwag magpakahon
sa pakikibaka'y magsuri't maging mahinahon
huwag hahayaang maihi na lang sa pantalon
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Merry Christmas kahit Many Krisis ang Masa
MERRY CHRISTMAS KAHIT MANY KRISIS ANG MASA buong puso ang pagbati ko't umaasa na mababago pa ang bulok na sistema Merry Christmas kahit ...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
PAG NAG-1-2-3 ANG NAGPAPUTOK NG BARIL madalas ay di nakikilala kung sino ang minulan ng ligaw na balang kumitil sa buhay ng bata o tinamaan ...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento