tuyo man at kamatis ang handa sa kaarawan
ang mahalaga, araw mo'y pinahahalagahan
sintigas man ng bato ang mukhang walang anuman
sa pisngi'y sintapang man ng apog ang kakapalan
araw iyon ng pagdiriwang, dapat masiyahan
handa man sa kaarawan ay tuyo at kamatis
mahalaga'y kumakain ka ng di pa napanis
di baleng walang litson, kaya pa namang magtiis
pag may dumalaw na lamok, dapat iyong mapalis
pag may lisa sa anit, aba'y dapat mong matiris
sa kaarawan man ang handa'y kamatis at tuyo
ang mahalaga, pagmamahal mo'y di naglalaho
tulad ng lawin ay tumingin sa lahat ng dako
baka matanaw mong kayraming pangakong napako
lalo na sa mahal mong dilag na iyong sinuyo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Warfarin
WARFARIN tila mula sa warfare ang warfarin at kasintunog naman ng 'war pa rin' ngunit ito'y sistema ng pagkain sa ospital anong ...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
MAG-INGAT SA PAPUTOK NA GOODBYE DALIRI ah, mag-ingat sa paputok na samutsari baka matamaan at biglang mapalungi may Sinturon ni Hudas, Bin L...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento