sige pa, pumatay kayong mga halimaw kayo
sige pa, mga inosenteng bata'y paslangin n'yo
sige pa, mamaril kayong masangsang na berdugo
sige pa, sundin ang atas ng baliw n'yong pangulo
nangangamoy dugo ang mga berdugong maysala
na krimen sa lipunan ay sadyang kasumpa-sumpa
sige pa, sa inyo, mga nanay ay tuwang-tuwa
ngunit ang totoo, sila'y galit at lumuluha
sige, ipakita n'yo ang krimeng karumal-dumal
kayong nasa kapangyarihan ang dapat isakdal
sige, ipakita ny'ong buhay nila'y pinipigtal
kayong mga nasa poder ang totoong kriminal
sige pa, dugo pa ng inosente'y palutangin
sige, mga walang sala'y walang prosesong kitlin
sige pa, ang karapatang pantao pa'y paslangin
balang araw, mananagot kayo sa bayan natin
- gregbituinjr.
* kinatha sa ikalawang araw ng palihan hinggil sa karapatang pantao, Oktubre 19, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nilay
NILAY nais kong mamatay na lumalaban kaysa mamatay lang na mukhang ewan ang mga di matiyaga sa laban ay tiyak na walang patutunguhan minsan,...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
MAG-INGAT SA PAPUTOK NA GOODBYE DALIRI ah, mag-ingat sa paputok na samutsari baka matamaan at biglang mapalungi may Sinturon ni Hudas, Bin L...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento