hinahagilap lagi kita sa aking gunita
di ko malaman kung ako pa ba'y may mapapala
habang iniinit ko ang malamig na kutsinta
o ito'y gawin ko na lang sa bukid ay pataba
iniluluha mo ba'y batong sinlaki ng graba
habang sa isip mo ako'y iyong inaalala
tara, maglibot muna tayo doon sa Luneta
mamasyal kita kahit bulsa'y butas, walang pera
nakikita ko ang lawin doon sa papawirin
ako naman ay tila pipit sa sulok ng hardin
namimilipit na gawa ng asong palamunin
pati na guyam ay nagbabantang ako'y lamunin
tatawirin ko ang pitong ilog na anong lalim
lalakbayin ang pitong bundok na maraming talim
upang hugasan ang salang nagdulot ng panindim
at upang makita ang rosas na nais masimsim
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tagumpay
TAGUMPAY oo, ilang beses mang dumating kaytinding kabiguan sa atin tayo'y magpatuloy sa layunin tagumpay ay atin ding kakamtin iyan ang ...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
-
PANAYAM SA AKIN NG MGA ESTUDYANTE PARA SA KANILANG THESIS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Narito ang isang panayam sa ak...
-
DI KO ISASALONG ANG SANDATANG PLUMA ang mga berdugo'y patuloy kong tinutuligsa sapagkat dama ko'y tungkulin bilang manunula ayokong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento