sa mundong ito'y maraming tulad kong salimpusa
animo'y di kasama sa lipunan kaming dukha
tingin sa ami'y bobo, walang aral, walang mukha
tingin nila sila'y bibo, mayaman, pinagpala
isusumpa mo ba ang tulad naming mahihirap?
wala bang pakialam sa danas naming masaklap?
adhikain namin ay nalalambungan ng ulap
ngunit nagpapakatatag, dusa ma'y nalalasap
kaming dukha'y salimpusa sa ganitong lipunan
di kami isinama sa pag-unlad ng iilan
etsapuwera kami sa kanilang kaunlaran
kami ang mga pusa kung aso ang daigdigan
salimpusa'y dapat may sariling mundong mabuo
kung saan pagsasamantala'y tuluyang maglaho
at doon, bulok na sistema'y tiyak na guguho
pagkat lahat ng mapagsamantala'y igugupo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Positibo't negatibong aral ng EDSA 1986
POSITIBO'T NEGATIBONG ARAL NG EDSA 1986 kasama ko si Dad sa unang pag-aalsang Edsa pati na mga tagasimbahang kagrupo niya dinala'y l...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
SA BAWAT PATAK NG ULAN umaga, makulimlim na naman ang kalangitan nagbabadya na naman ng malakas na pag-ulan naalimpungatan ako sa patak sa b...
-
PANAWAGANG PANGKALUSUGAN mahalagang pundasyon ng mga kababaihan ang ipaglaban ang kalusugan ng mamamayan namnamin lamang natin ang kanilang ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento