sa mga tulad naming tibak, bawal magkasakit
lalo't ang bulok na lipunang ito'y anong lupit
sa disiplina sa katawan ay dapat mahigpit
tiyaking maayos na kalusugan ay makamit
halina't kumain ng gulay na nagpapalakas
ng katawan, ng kalamnan, sa tuhod pampatigas
huwag sobrang karne't mamantika, laging maghugas
ng kamay kung kakain, at balatan din ang prutas
dapat magpalakas ang tibak at maging malusog
lalo't ipinaglalabang pangarap ay kaytayog
huwag magpuyat, tiyaking walong oras ang tulog
sapat ang kain, huwag masyadong magpakabusog
ang kalusugan sa pakikibaka'y mahalaga
kaya di dapat nagkakasakit ang aktibista
kung sakaling magkasakit, dapat tulungan sila
dahil sila'y ating kasama sa pakikibaka
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Relatibo
RELATIBO sa mga kamag-anak ko't katoto kapisan, kumpare, kaugnayan ko pulitikal at personal ba'y ano? masasabi ba nating relatibo? p...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
-
PAG NAG-1-2-3 ANG NAGPAPUTOK NG BARIL madalas ay di nakikilala kung sino ang minulan ng ligaw na balang kumitil sa buhay ng bata o tinamaan ...
-
Bagong taon, bagong petsa, dating pakikibaka Bagong taon, dating kalagayan, lumang sistema Nariyan pa ang pang-aapi't pagsasamantala ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento