minsan, maiinis ka talaga sa sarili mo
na maiisip mong sapakin ang panga mo't ulo
bakasakaling magtanda ka sa ginagawa mo
at mapanuto ang sarili sa tama o wasto
subalit bakit sasaktan ang sariling kalamnan
masokista ka ba't sinasaktan ang katauhan
maiinis ka minsan sa iyong kapaligiran
kaya nais mong magwala o mawalang tuluyan
kinakailangan ding habaan itong pasensya
upang makapag-isip ng wasto't anong taktika
upang malutas ng mahinahon iyang problema
upang magawang paraang baguhin ang sistema
talagang minsan, ang sarili mo'y nakakainis
ngunit isipin mo ring problema mo'y mapapalis
kailangan ng kaunting tiyaga't pagtitiis
malulutas din ang problemang sa iyo'y tumiris
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bagong higaan ni Alaga
BAGONG HIGAAN NI ALAGA ibinili ni misis ng higaan si Alaga upang maging maalwan ang kanyang pagtulog at pahingahan at di sa sahig, o kung sa...

-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
PAGLABAN Tulang TAGAIKU (TAnaGA at haiKU) i sila'y nakikilaban para sa kalayaan ng tanang mamamayan mula sa kaapihan tanong ni pare baki...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento