maasim ba ang lasa ng sinampalukang manok
paano naman yaong lasa ng sistemang bulok
matamis ba ang nalalasap ng buhay sa tuktok
o malansa't walang tapat na kasama sa rurok
mga tanong na di matanong sa buhay na ito
pagkat baka sabihing tayo'y sangkaterbang gago
subalit makatang tulad ko'y tanong nga'y ganito
na sinusuri'y buhay sa lipunan at gobyerno
isa lang akong aktibistang masikap sa buhay
nagsisipag din upang sa obrero'y magtalakay
kung ano ang kahirapan, ano ang pantay-pantay
sa lipunang ang tugon ay di pa nahahalukay
narito akong hinahagilap ang mga sagot
kahit na kadalasan ako ay nagbabantulot
mahanap ko sana, kaharap ko man ay hilakbot
upang ialay sa bayan, gaano man kalungkot
- gregbituinjr.
Martes, Setyembre 10, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nang hinuli ang mga hubad
NANG HINULI ANG MGA HUBAD Kay Balagtas: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa bait at muni, sa hatol ay salat. Ngayon: Dah...
-
ANG TAMANG GAMIT NG RITO AT DITO "Bawal Umihi Rito" ang nakita kong paalala sa isang pader sa T. Alonzo St. sa Baguio City, malap...
-
LUMAKI AKONG NAGBABAHA SA SAMPALOC, MAYNILA PAG MAY BAGYO asahan mo nang baha sa Sampaloc pag nagbagyo kaya bata pa lang ako, pagbaha'y ...
-
PAGLALAKBAY nakapaglalakbay ako sa iba't ibang bansa dahil na rin sa pagbabasa ng maraming akda nabatid ang kasaysayan at samutsaring pa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento