patuloy ang lawin sa paglipad sa kalawakan
at nag-aabang ng madadagit sa kaparangan
bunsod ba iyon ng nadarama n'yang kagutuman?
o marahil iyon kasi ang kanyang kalikasan?
nakatingala yaong inahin sa kalangitan
magsungit kaya ang panahon, babagyo, uulan?
o baka kasi may lawing dapat silang iwasan?
upang kanyang mga inakay ay maprotektahan
pinaaalpas ng nag-aalaga ang inahin
upang ito'y makahanap naman ng makakain
para sa mga inakay nitong aalagain
nasa isip lagi'y anak nang ito'y di gutumin
tulad ng tao, may pamilya rin ang mga hayop
at sa pagbuo nito, bawat isa'y kinukupkop
ng ama o inang sa iba'y di nagpapasakop
titiyaking may sabaw nang anak ay makahigop
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagtula'y pahinga sa laksang suliranin
PAGTULA'Y PAHINGA SA LAKSANG SULIRANIN pagtula'y pahinga sa laksang suliranin nire-relaks ang utak ang tanang layunin tutula muna sa...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
BOOK SALE laking National at laking Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwil...
-
SA BAWAT PATAK NG ULAN umaga, makulimlim na naman ang kalangitan nagbabadya na naman ng malakas na pag-ulan naalimpungatan ako sa patak sa b...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento