nais kong bigkasin ang tula ko sa inyo
tulad ng agilang hinehele ng bagyo
o rosas sa harap ng sawing paruparo
o boksingerong ang mukha'y bugbog-sarado
nais kong bigkasin sa inyo itong tula
na handog sa bawat kapwang nagdaralita
na nagtitiis, lumalaban, lumuluha
upang kamtin ang karapatan at paglaya
tula'y kinatha upang sa inyo'y mabigkas
maging inspirasyon laban sa pandarahas
upang sumigla kayo'y lalo pang lumakas
tumatag ang paninindigan hanggang wakas
tula lang ang kaya kong ibigay sa inyo
habang iisa tayo tungong pagbabago
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Buwaya at buwitre
BUWAYA AT BUWITRE di ako mapakali sa mga nangyayari buwaya at buwitre pondo ang inatake kawawa ang bayan ko sa mga tusong trapo ninanakaw na...
-
PUSANG KUMAKAIN NG HALAMAN nabidyuhan ni misis si alaga naroong kumakain ng halaman buti't nakunan niya iyong sadya na di ko naman natit...
-
TULA SA IKA-232 KAARAWAN NI GAT FRANCISCO BALAGTAS (Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862) M akatang Balagtas, / tunay na dakila A t is...
-
PABAHAY kayraming nakatenggang tahanan habang kayraming walang tirahan bakit ba ganyan? anong dahilan? karapatan ba'y pinabayaan? mga ta...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento