SANAY NA AKONG KALAHATI ANG INUUPUAN
sanay na akong kalahati ang inuupuan
lalo doon sa pampasaherong dyip na siyaman
dapat paupuin ang matanda lalo't siksikan
pati na bata't magandang dalaga sa sasakyan
sa kalahati mang pag-upo sa dyip na'y nasanay
kahit minsang sa tagal ng pag-upo'y nangangalay
iyon ay dahil sa wasto lang maging mapagbigay
at ito'y maituturing ding bayanihang tunay
nakikipagsiksikan kahit kalahating upo
upang sa bahay ipahinga ang katawang hapo
ilan nama'y sasabit, sa estribo'y nakatungo
sumisiksik makarating lang kung saan patungo
minsan kailangan ding makipagsiksikan sa dyip
upang makauwi na't habulin ang panaginip
at bakasakaling doon kanyang sinta'y masagip
mula sa sasakyang muntik-muntikang makahagip
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Batang isang taon, nalunod sa timba
BATANG ISANG TAON, NALUNOD SA TIMBA nakakaiyak, nakakagitla nang mabasa ang isang balita isang taong gulang lang na bata yaong nalunod sa is...
-
ANG MAGTANIM NG PUNO sinabi noon ng isang polimatong Bengali at makatang nagngangalang Rabindranath Tagore ang magtanim ng puno, mag-alaga...
-
ANG LIMANG ANAK NI GAT ANDRES BONIFACIO Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang karaniwang alam natin kay Gat Andres Bon...
-
PANAYAM SA AKIN NG MGA ESTUDYANTE PARA SA KANILANG THESIS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Narito ang isang panayam sa ak...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento